Pito pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19

May pitong bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang November 24, nasa 11,567 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 82 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,246 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Siyam naman ang bagong gumaling kung kaya 7,487 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala muling bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 834 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,530 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,313 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 830 naman ang kaso sa Americas at 1,894 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...