Magat Dam, magpapakawala muli ng tubig

Naglabas ng abiso ang National Irrigation Administration (NIA) hinggil sa pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Isabela, Martes ng hapon (November 24).

Ayon sa NIA, ang pagpapakawala ng tubig ay isasagawa bandang 2:30 ng hapon.

Nasa 191 cubic meters per second ang pakakawalang tubig.

Pinayuhan naman ang mga residente na iwasan muna ang pagtawid o pamamalagi sa tabing ilog.

Read more...