Mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, nasa 23,278 na

Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 24,497 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Martes ng umaga (November 24).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 509 o katumbas ng dalawang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

23,278 o 95 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 710 o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 16,888 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...