Bibigyan na ang motorcycle ride-hailing firm na Angkas ng Provisional Authority to Operate sa ilalim ng extended Motorcycle Taxi Pilot Program.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) na napagdesisyunan ito sa araw ng Martes, November 24.
Gayunman, kailangan pang makumpleto ng Angkas ang operational requirements na ipinatupad ng National Task Force (NTF) at MC Taxi TWG.
Kabilang dito ang probinsyo ng insurance para sa rider at pasahero sakaling magkaroon ng aksidente, paggamit ng thermal scanners para ma-detect kung may lagnat ang pasahero, at iba pa.
Epektibo ang provisional authority mula November 24 hanggang December 9, 2020.
Oras na makumpleto ng Angkas ang lahat ng requirements, naglalabas na ang MC Taxi TWG ng Certificate of Compliance sa kumpanya.