Ayon kay Herrera, dapat tiyakin ng Department of Trade and Industry (DTI) na mapapakinabangan ng mga MSMEs ang P10 Billion na alokasyon para sa COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES).
Inilaan aniya ng Kongreso ang pondong ito para tulungan ang mga naghihikahos na MSMEs na ipagpatuloy ang kanilang mga operasyon at mabayaran ang mga empleyado.
Batay sa DTI, sa P10 Billion na pondo para sa CARES ay P8 Billion dito ang naibigay na sa SBCorp. upang mapautang sa pinakamababang interest rate ang mga maliliit na negosyo at ang industriya ng turismo.
Inaasahang 100,000 enterprises na makikinabang dito, 6,600 loans pa lamang ang naaaprubahan na katumbas ng P1.2 Billion habang 26,000 CARES loan application ang nakabinbin pa sa SBCorp.