Nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 nadagdagan ng mahigit 7,000 pa

Umabot na sa 1,401,877 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 263,687.

Umabot naman na sa mahigit 169,500 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 134,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 101,900 na.

Umabot naman na sa mahigit 41 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 16.9 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 263,687
Brazil – 169,541
India – 134,254
Mexico – 101,926
UK – 55,230
Italy – 50,453
France – 49,232
Iran – 45,255
Spain – 43,131
Argentina – 37,122

 

 

 

Read more...