BREAKING: Bata patay sa sunog sa San Andres, Maynila

Isang bata ang nasawi sa sunog na naganap sa San Andres, Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado alas 9:00 ng umaga ngayong martes, Nov. 24 sa bahagi ng Diamante Street.

Umabot lang sa 1st alarm ang sunog at naideklarang fire out 10:30 ng umaga.

Nang maapula ang apoy ay nakita ng mga bumbero ang wala nang buhay na batang lalaki na edad 12 anyos.

Nabatid na na-trap sa nasunog na bahay ang naturang bata.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

Read more...