Apat patay matapos ma-trap sa nasunog na sasakyan sa Negros Occidental

Apat ang nasawi sa aksidente na naganap sa Valladolid, Negros Occidental kaninang madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, na-trap ang apat na katao sa loob ng dalawang delivery wing van trucks na nagliyab matapos magkabanggaan.

Nangyari alas 12:15 ng madaling araw ngayong Martes, Nov. 24 sa national highway na sakop ng Brgy. Sagua Banwa sa Valladolid.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng head on collision sa pagitan ng dalawang delivery truck.

Nagresulta ito sa pagsiklab ng apoy sa panel ng dalawang truck na ikinasawi ng apat na katao.

Ayon sa Valladolid LGU, pawang grocery items ang laman ng dalawang van.

Kabilang sa nasawi ang driver at helper ng mga truck.

 

 

Read more...