Global cases ng COVID-19 nadagdagan ng halos kalahating milyon sa magdamag

Umabot sa mahigit 488,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes, (Nov. 24) ay 59,487,127 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 158,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Habang mahigit 37,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 16,000 ang bagong kaso sa Brazil.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 12,763,282
India – 9,177,641
Brazil – 6,088,004
France – 2,144,660
Russia – 2,114,502
Spain – 1,606,905
UK – 1,527,495
Italy – 1,431,795
Argentina – 1,374,631
Colombia – 1,254,979

 

 

 

 

Read more...