Wala pang pormal na work stoppage order sa Skyway extension project ayon kay Bello

Muntinlupa DRRMO photo

Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na wala pang pormal na kautusan para sa work stoppage sa Skyway extension project matapos ang aksidente noong Sabado.

Ginawa ni Bello ang paglilinaw makaraang ang mga ulat na nagpalabas ng work stoppage order ang DOLE habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Ayon kay Bello, hinihintay pa niya ang report o ang resulta ng imbestigasyon sa insidente.

Batay sa report, ay saka lamang sya maglalabas ng stoppage order.

Ngayong Martes (Nov. 24) ng umaga pa lamang nakarating sa tanggapan ni Bello ang report mula sa regional director at executive director ng Occupational Safety and Health Center ng DOLE.

Isasailalim na muna sa review ni Bello ang mga rekomendasyon sa report.

Dahil dito, posible ayon kay Bello na magtuloy pa rin ang pag-usad ng proyekto ngayong araw.

 

 

 

Read more...