LOOK: Suplay ng pagkain para sa 9,500 pamilya sa Tumauini, Isabela nahatid na ng Coast Guard

Nahatiran na ng tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga nasalanta ng pagbaha sa Tumauini, Isabela.

Pawang food supplies para sa 9,500 na pamilya ng Tumauini ang dala ng Coast Guard.

Ang munisipalidad ng Tumauini ang isa sa pinaka-naapektuhan ng pagbaha sa Cagayan Valley region, kasabay ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Maliban sa mga bahay na nalubog sa baha, nasira rin ang 2,700 na ektaryang pananim na nakatakda na sanang anihin sa Enero ng susunod na taon.

 

 

 

Read more...