Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 37,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 9,177,641 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 8.6 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 439,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na halos 500 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 134,251 na.
MOST READ
LATEST STORIES