Sa ngayon ayon sa Maynilad, pinupuno ng tubig ang ikalawang basin na natanggalan na ng putik.
Ngunit ang pagtanggal ng putik sa ikatlong basin ay maaring abutin pa ng dagdag na 5 araw para matapos gayundin ang muling pagpapataas ng produksyon ng tubig sa planta, at pagpuno ng mga reservoir.
Dahil dito, kinakailangan pang palawigin ng hanggang sa Nobyembre 29, 2020 ang kasalukuyang rotational water service interruption na ipinatutupad ng Maynilad upang masiguro na ang lahat ng apektadong customers ay magkakatubig sa loob ng ilang oras kada araw.
Ayon sa Maynilad aasahan naman ang unti-unting pag-ikli ng oras ng interruption sa mga susunod na araw habang tuloy-tuloy ang pag-buildup ng tubig sa mga pipeline.
Patuloy na mag-iikot ng ang mobile water tankers ng Maynilad upang makapag-deliver ng tubig.