Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 158,000 pa

Umabot na sa lagpas 12.7 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 158,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 12,763,282 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 7.5 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 4.9 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 900 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 263,629 na.

 

 

 

Read more...