Lalaki patay matapos mahagip ng tren sa Maynila

Nasawi ang isang binata matapos itong mahagip ng tren sa Pandacan, Maynila.

Ang biktima ay 17 anyos na binata na naglalakad sa gilid ng tren nang mangyari ang aksidente.

Ayon kay Barangay Chairman Paulino Soriano ng Brgy. 836, nangyari ang aksidente alas 8:00 ng gabi ng Lunes, Nov. 23.

Sa kabila umano malakas at tuluy-tuloy na busina ng tren ay tila hindi ito alintana ng lalaki.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang lalaki na kaniyang agad ikinasawi.

 

 

 

Read more...