Mismong ang General Services Administration (GSA) ang lumiham sa kampo n President-elect Joe Biden at pinabatid ang kahadaan na ng Trump administration na umpisahan ang formal transition process.
Ayon sa liham ni GSA Administrator Emily Murphy nakasaad na independent ang pasya niya sa ilalim ng batas na simulan na ang proseso.
Nilinaw din nitong walang anumang pressure mula sa White House para i-delay niya ang transition.
Sa kaniya namang tweet, sinabi ni Trump na tama lamang ang hakbang ni Murphy na simulan ang initial protocols.
Ayon kay Trump, nakatatanggap na ng pangha-harass, pananakot at pang-aabuso si Murphy at ayaw niyang magpatuloy ito magng sa mga empleyado ng GSA.
Sinabi ni Trump na kahit maumpisahan ang transition ay tuloy ang kanilang kaso hinggil sa kinukwestyong resulta ng eleksyon.
“Our case STRONGLY continues, we will keep up the good fight, and I believe we will prevail! Nevertheless, in the best interest of our Country, I am recommending that Emily and her team do what needs to be done with regard to initial protocols, and have told my team to do the same,” ayon kay Trump.