Dagdag sa presyo ng diesel ng mga kumpanya ng langis epektibo na

May pagtaas sa presyo ng diesel na epektibo na ngayong umaga.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, dagdag na 50 centavos kada litro ang ipinataw sa presyo ng diesel.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina at kerosene.

Epektibo ang dagdag presyo alas 6:00 ng umaga ng mga kumpanyang Petron, Seaoil, Shell, Petro Gazz, PTT, Unioil,

Alas 12:01 naman ng madaling araw naging epektibo ang price adjustment ng Chevron.

Habang alas 4:01 mamaya ang dagdag presyo ng Cleanfuel.

 

 

 

Read more...