Ayon sa PAGASA apektado na ngayon ng Amihan ang buong Luzon at Visayas.
Habang apektado naman ng Tail-end ng frontal system ang bahagi ng Mindanao.
Sa weather forecast ngayong araw, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Davao Region at Caraga dahil sa Tail-end ng frontal system.
Sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao, bahagyang maulap na papawirin lamang ang iral na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Sa eastern Visayas naman, Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa, makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan dahil sa amihan.
Ayon sa PAGASA mas malamig na ang aasahang temperatura ngayong araw. Sa Metro Manila inaasahang nasa 22 degrees Celsius ang minimum na temperatura at 31 degrees Celsius ang maximum na temperatura.