31 pang kaso ng COVID-19, nadagdag sa Central Visayas

Nagkaroon pa ng 31 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang November 23, 23,753 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,310 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 30 ang bagong gumaling kung kaya 21,064 na ang COVID-19 recoveries.

Dalawa ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,379 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...