Naniniwala si Gordon na isa ito sa maaaring paraan para hindi na maulit ang matinding pagbabaha sa Metro Manila at Rizal tulad ng nangyari sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
Aniya, kapag nawala ang burak sa ilalim ng Laguna de Bay ay mapapag-ipunan na ito ng tubig mula sa ulan at baha at hindi na rin lulubog ang mga komunidad sa paligid.
Dapat din aniyang alisin ang fish pen sa lawa para magbigay-daan sa rehabilitasyon at maari pang maging tourist attraction bukod sa magagamit sa alternatibong transportasyon.
Nag-aalok na aniya ang gobyerno ng Hungary ng $30 million para sa rehabilitasyon at paglilinis sa Laguna de Bay, na may lawak na 900 square kilometers at isa sa pinakamalaking lawa sa buong Southeast Asia.