Dagdag na 35 kaso ng COVID-19, napaulat sa Eastern Visayas

Nadagdagan ng 35 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 334 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Lunes ng gabi (November 23), 8,315 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 543 o 6.53 porsyento ang aktibong kaso.

102 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 7,688 o 92.46 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 84 na ang mga residenteng nasawi o 1.01 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...