Mga naka-recover sa COVID-19 sa Baguio, 2,616 na

Umabot sa 12 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Lumes ng gabi (November 23), umabot na sa 2,896 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 241 ang aktibo pang kaso.

10 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 2,616 na ang total recoveries sa Baguio City habang 39 pa rin ang death toll.

Batay pa sa datos, 133 ang naisagawang RT-PCR test sa araw ng Linggo.

Nasa 75,530 naman ang bilang ng mga nagnegatibong pagsusuri sa COVID-19.

Read more...