Davao del Sur, niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

Tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa Davao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 8 kilometers Southeast ng City of Digos.

Naramdaman ang pagyanig bandang 5:49 ng hapon.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa nasabing bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Read more...