Tugon ito ng Palasyo sa pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nabakunahan na sina Lacson at Romualdez.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mayroon mang mga indibidwal na nagpaturok na, tiyak na hindi ito ginastusan ng pamahalaan.
Nangako kasi aniya si Pangulong Rodrigo Duterte na oras na may bakuna, uunahing bigyan ang mga mahihirap, ang mga frontliner, mga sundalo at ang mga pulis.
“Kung mayroon hong ibang mga tao na nakapagbakuna na, hindi po iyan galing sa gobyerno. Ang assurance ng Presidente, basta binili po ng ating gobyerno, uunahin ang pinakamahihirap,” pahayag ni Roque.