Pangulong Duterte, gusto nang matapos ang termino

Atat na atat na si Pangulong Rodrigo Duterte na matapos ang kanyang termino sa 2022.

Pahayag ito ng Palasyo bilang tugon sa pinapalutang ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na Duterte-Duterte tandem sa 2022.

Ayon kasi kay Panelo, tatakbong Pangulo ng bansa si Davao City Mayor Sara Duterte habang ka-tandem niya ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbong bise presidente.

Ayon kay Roaue, personal na opinyon ito ni Panelo.

Sa kanyang pagkakaalam, gusto na ni Pangulong Duterte na umuwi sa Davao City.

“Ang pagkakaalam ko po eh atat na atat na si Presidenteng matapos ang kaniyang termino’t gusto na niyang umuwi dito sa Davao ‘no. So iyong Duterte-Duterte tandem po na sinasabi ni Secretary Panelo, iyan po ay kaniyang personal na opinyon,” pahayag ni Roque.

Read more...