BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 420,000 na

Mahigit 1,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (November 23), umabot na sa 420,614 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 25,837 o 6.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,799 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

83.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.8 porsyento ang asymptomatic; 0.26 porsyento ang moderate; 2.9 porsyento ang severe habang 5.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 50 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,173 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 135 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 386,604 o 91.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...