Mahigit isang linggo matapos tumama ang bagyo, makapal pa ang putik at marami pang basura sa maraming lugar ng Kasiglahan Village, Brgy. San Jose na nalubog sa tubig-baha.
Pero ang mga tumugon aniya sa panawagan ay hindi habol ang honoraria kundi nais nilang magkawang-gawa para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Tinutukan ng clean-up drive ang Phase 1K, 1K1 at 1K2, gayundin ang Phase 1D at 1B at Block 12.
Sinabi ni De Vera na naglaan ng pondo para sa 100 katao lamang na tutulong sa paglilinis.
Subalit sa dami ng nais na tumulong ay umabot sa humigit-kumulang 300 katao ang nag-volunteer.
Para sa mga hindi mabibigyan ng P300 na honoraria, sila ay bibigyan ng pamahalaang lokal ng bigas.
Libre din ang pagkain para sa lahat ng tumulong sa paglilinis.
Narito ang buong ulat ni Dona Dominguez-Cargullo: