Mayor Isko Moreno, muling itinanghal bilang “Man of the Year in Public Service” ng Asia Leaders Awards

Sa ikalawang pagkakataon, muling iginawad kay Manila Mayor Isko Moreno ang ‘Man of the Year in Public Service Award’ ng Asia Leaders Awards sa taong 2020.

Si Singapore Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong ang nag-abot ng award kay Mayor Isko.

Ayon kay Ambassador Ho, si Mayor Isko ay isang huwarang lider na nagpakita ng epektibong serbisyo sa publiko lalo na sa panahon ng pandemya.

Kaugnay nito, ipinaabot naman ni Mayor Isko ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Aniya, ang mahusay na pagtugon ng lokal na pamahalaan sa pandemya ay bunga ng pagtutulungan ng iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod kasabay ng mahusay na pagbibigay ng medikal na serbisyo ng lahat ng district hospitals ng siyudad.

Samantala, hiningi rin ni Mayor Isko ang patuloy na kooperasyon ng bawat Manileño upang tuluyang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Taong 2019 nang gawaran din si Mayor Isko ng kaparehong parangal.

Chona Yu

Excerpt: Sa ikalawang pagkakataon, muling iginawad kay Manila Mayor Isko Moreno ang ‘Man of the Year in Public Service Award’ ng Asia Leaders Awards sa taong 2020.

Read more...