Ayon kay Transport Assistant Secretary for Communication Goddes Hope Libiran, ang pagkakabit ng RFID stickers ay magpapatuloy kahit matapos ang December 2020, lalo na para sa mga first time toll users at mga bagong sasakyan.
Sabi ni Libiran, maaring magpakabit ng RFID stickers sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan tulad ng pagpapa-book online, walk-in sa mga installation sites o kaya naman ay sa designated lane bago pumasok sa toll gate.
Simula anya sa December 1 hanggang January 11 ay magiging 24/7 ang kabitan ng RFID sa lahat ng mga toll lanes o mga booths malapit sa mga toll gates.
Iginiit pa ni Libiran na walang mangyayaring hulihan mula December 1 hanggang January 11, 2021 para sa mga sasakyang walang RFID.
Matapos anya ang January 11, hindi na lahat ng lanes sa toll gate ay iko-convert bilang stickering lane bagkus ay
magtatalaga na lamang ng isa o dalawang lane kung saan maaring magpakabit ng sticker.
Kailangan sabi ng opisyal na maglalagay ang mga toll operator ng malalaking signages sa mga stickering lanes upang malaman ng mga motoristang wala pang RFID na doon sila dapat na pumila dahil maaari ang mga itong ma-tiketan sakaling pumila sa mga RFID ONLY lane lalo na kung sila ay magdudulot ng abala sa mga sasakyang nasa likuran nila.
Kapag insufficient ang load naman anya at dumaan sa expressway papayagang makadaan ang mga motorista habang nasa transition period o mula December 1 hanggang January 11.
Maaaring anyang doon load-an sa mismong toll booth o kaya naman ay palampasin, patabibin, at load-an ng tauhan ng toll operator gamit ang top-up loading device.
Nilinaw ng DOTr na walang expiration ang load ng mga RFID.
Samantala, sinabi ng transport official na simula 2017 ay ongoing na ang proyekto ng DOTr upang pag-isahin ang RFID sa lahat ng mga tollways na tinawag nilang “Toll Interoperability” Project, kung saan bahagi ng unang phase ay ang implementasyon ng 100% cashless transactions sa mga toll roads.
May report si Erwin Aguilon: