Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bahala na ang Kongreso kung kailangang magbago ng batas hinggil sa pagbibigay ng mga used clothing o ukay- ukay.
Ayon kay Roque, nasa batas naman talaga ang pagbabawal sa mga ukay-ukay.
Mas makabubuti aniya na ang Kongreso na ang magpsya kaugnay sa naturang usapin lalo’t tungkulin naman nila ang magbalangkas ng batas.
Batay sa social media post ng DSWD, hindi na hinihikayat ang pagdo-donate ng mga ukay- ukay upang maiwasan na rin ang anumang health hazards na maaaring maipasa mula sa mga gamit na damit.