Sa viva voce voting, nakalusot sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7805 na magbibigay-proteksyon sa online consumers at sellers.
Sa ilalim ng panukala, lilikha ng e-Commerce Bureau sa ilalim ng Department of Trade and Industry na siyang magpapatupad, magbabantay at titiyak na nasusunod ang Internet Transactions Act.
Bibigyan ito ng kapangyarihang mag-imbestiga at maghain ng kaso laban sa mga lalabag, at siya ring tatanggap at tutugon sa reklamo ng consumers sa internet transactions.
Para sa online sellers na hindi magpaparehistro, pagmumultahin ang mga ito ng katumbas ng siyento porsiyentong halaga ng kaniang paninda.
Ang consumers na mapatutunayang lumabag sa batas ay magbabayad ng P50,000 multa habang ang seller ay mula kalahating milyon hanggang 5 milyong piso at babawiin rin ang lisensya.