BOC nakapag-release na ng 15,321 na PPE shipments

Nakapag-release na ang Bureau of Customs (BOC) ng 15,321 na personal protective equipment (PPE) shipments.

Noong Nov. 19, mayroong dumating na limang shipments ng PPE na agad nairelease ng Customs.

Simula naman noong nov. 20 hanggang kahapon Nov. 22 ay walang bagong shipments ng PPE na natanggap ang Customs.

Magugunitang mula March 9, 2020 ay tinitiyak ng BOC ang same-day release sa mga PPE shipments at iba ang kargamento na kailangan sa pagtugon ng bansa pandemic ng COVID-19.

 

 

 

Read more...