16 na bagong signal lights naikabit na sa mga istasyon ng MRT-3

Nakapag-install na ng 16 na bagong signal lights sa mga istasyon ng MRT-3.

Bahagi ito ng massive rehabilitation and maintenance na isinasagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

Ayon sa update ng DOTr, nakapaglagay na ng 6 na bagong signal lights sa Ortigas station, 5 sa Shaw Boulevard station, at 2 sa Guadalupe station.

Ang bagong signal lights ay LED-powered, at mas maliwanag kung ikukumpara sa dating regular na signal lights.

Target na makapaglagay ng pamunuan ng MRT-3 ng mga signal lights sa lahat ng mga istasyon ng rail line.

 

 

 

Read more...