Dagdag pa rito ang mahigit 75,000 ng returning non-OFWs na sumailalim rin sa health protocols at safety measures sa mga quarantine hotels, bago tuluyang makauwi sa kani-kanilang probinsya.
Ayon sa Coast Guard asahan ang patuloy na pag-asiste sa mga umuuwing OFs lalo ngayong palapit na ang holiday season.
Ang OSS sa NAIA ay tulung-tulong na pinangangasiwaan ng Department of Transportation (DOTr), Department of Tourism (DOT), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA), Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine National Police (PNP), at ng Bureau of Quarantine (BOQ).