LOOK: 94 barangay sa Makati at Maynila 9 na oras na mawawalan ng suplay ng tubig

Mawawalan ng suplay ng tubig ang aabot sa 94 na mga barangay sa Makati at Maynila.

Sa inilabas na abiso ng Maynilad, magsasagawa ito ng valve installation sa bahagi ng Lambingan Bridge sa Sta. Ana, Manila.

Magreresulta ito ng water service interruption sa 94 barangay sa Makati at maynila simula alas 9:00 ng gabi ng Martes (Nov. 24) hanggang alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules (Nov. 25).

Narito ang mga maaapektuhang barangay:

Manila:
– Brgy. 763 hanggang Brgy. 820
– Brgy. 866
– Brgy. 869
– Brgy. 873 hanggang Brgy. 891

Makati:
– Kasilawan
– Olympia
– Poblacion
– Valenzuela
– Tejeros
– Singkamas
– Carmona
– Sta. Cruz
– Pio Del Pilar
– La Paz
– San Antonio
– Bangkal
– Bel-Air
– San Lorenzo

 

 

Read more...