Kaso ng COVID-19 sa India lagpas 9.1 million na

Umabot na sa mahigit 9.1 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 44,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 9,140,312 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 8.5 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 445,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 500 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 133,773 na.

 

 

 

Read more...