JBC magsasagawa ng public interview para sa mga bakanteng pwesto sa CA, CTA at Sandiganbayan

Magsasagawa ng public interview ngayong araw ang Judicial and Bar Council (JBC) para sa mga kandidato sa mga bakanteng pwesto sa Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals.

Sa abiso na inilabas ng Supreme Court, online ang gagawing public interview.

Tatagal ang panayam hanggang alas 5:00 ng hapon ngayong araw via Zoom.

Kabilang sa mga bakanteng pwesto na hinahanapan ng kapalit ay 6 na Associate Justices sa CA, 1 sa Sandiganbayan at 2 sa CTA.

 

 

 

Read more...