Dalawa pang U-turn sa EDSA sarado na simula ngayong araw

Sarado na simula ngayong araw ng Lunes, Nov. 23 ang dalawa pang U-turn slots sa EDSA.

Ang mga isinarang U-turn ay ang malapit sa Oliveros Drive at sa Balintawak Market.

Ayon sa MMDA, maaaring dumaan ang mga motorista sa alternate route sa Balintawak interchange o sa General Malvar/Bagong Barrio U-turn slot (northbound going southbound) at General Tiño U-turn slot (southbound going northbound).

Isinasara ang mga U-turn slot sa EDSA bilang bahagi ng patuloy na aksyon ng MMDA para mapabilis ang biyahe ng mga commuters sa EDSA Carousel Bus Routes.

 

 

 

Read more...