Residential area sa Tramo, Pasay City tinupok ng apoy

Nasunog ang isang residential area sa bahagi ng Tramo sa Pasay City.

Nagsimula ang sunog alas 5:45 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 23 sa Ramon Street sa Barangay 43.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog at naideklarang under control 6:45 ng umaga.

Inaalam na ng mga tauhan ng Pasay City Fire Department kung ano ang pinagmulan ng apoy at ilan ang apektadong bahay.

 

 

 

 

Read more...