DPWH may repair at reblocking sa Quezon City ngayong weekend

edsa-0907Magsasagawa ng road repair at reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang pangunahing lansangan sa Quezon City ngayong weekend.

Sisimulan ang reblocking alas 10:00 ng gabi mamaya (March 18) at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga ng March 21, araw ng Lunes.

Apektado ng pagkukumpuni ang mga sumusunod na lansangan:

Sa southbound, ang kahabaan ng Commonwealth Avenue mula sa Don Antonio Drive hanggang Zuzuarregui St.;

Ang kahabaan ng C.P. Garcia Street mula sa E. Roces Avenue hanggang sa F. Florentino – 3rd Lane mula sa sidewalk;

Gayundin ang kahabaan ng EDSA mula sa bahagi ng Mother Ignacia St. hanggang Sct. Borromeo – 1st lane mula sa sidewalk.

Pinapayuhan ng DPWH at MMDA ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga lansangan.

Tiniyak naman ng DPWH na sa Lunes ng umaga ay magagamit na muli ng mga motorista ang mga kalsadang sasailalim sa repair.

Read more...