Apat na Telcos bagsak sa pangakong internet speed ayon sa NTC

Internet SpeedNabigo ang apat na internet service providers sa bansa na maibigay sa kanilang subscribers ang pangako nilang internet speed.

Ito ang lumitaw sa pagsusuri ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos isagawa ang internet speed tests noong February 15 hanggang March 10, 2016.

Ayon sa NTC, wala anuman sa PLDT, Sky Broadband, Globe Telecom at Bayantel ang nakapagbigay ng 100 percent ng pangako nilang bilis ng internet sa kanilang mga customers batay sa inilalabas nila sa advertisements.

Sa report, sinabi ng NTC na ang Globe ay nakapagbigay lamang ng 82.42 percent ng pangako nilang internet speed; ang PLDT ay 74.73 percent; ang Sky Broadband ay 63.60 percent at ang Bayantel ay 59.17 percent.

Ayon kay NTC deputy commissioner Edgardo Cabarios, ang pagsusuri ay isinagawa sa mga residential at mga tanggapan sa Metro Manila partikular sa Mandaluyong, Marikina at Quezon City.

Sinabi ni Cabarios na sa mga gustong magvolunteer para ipasuri ang internet speed sa kanilang bahay o opisina, ay maaring makipag-ugnayan sa NTC. Ito ay para makalikom din ng sapat na sample ang NTC batay sa mas maraming subscriber na susuriin.

Read more...