62 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Central Visayas

Nagkaroon pa ng 62 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang November 22, 23,727 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,316 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 27 ang bagong gumaling kung kaya 21,034 na ang COVID-19 recoveries.

Walang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,377 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...