Mga naka-recover sa COVID-19 sa Baguio, lagpas 2,600 na

Umabot sa 24 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Linggo ng gabi (November 22), umabot na sa 2,886 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 241 ang aktibo pang kaso.

31 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 2,606 na ang total recoveries sa Baguio City habang 39 pa rin ang death toll.

Batay pa sa datos, 267 ang naisagawang RT-PCR test sa araw ng Linggo.

Nasa 75,210 naman ang bilang ng mga nagnegatibong pagsusuri sa COVID-19.

Read more...