COVID-cases sa Western Visayas, lagpas 19,000 na

Nagpositibo ang 106 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 22, umakyat na sa 19,029 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

1,777 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 79.91 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

104 naman ang gumaling pa kaya 16,729 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umakyat naman sa 523 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...