Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 24,434 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Linggo ng umaga (November 22).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 489 o katumbas ng dalawang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
23,236 o 95 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 709 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 16,793 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES