Sec. Villar, nag-inspeksyon sa bagong 7th ID HQ sa Fort Magsaysay

DPWH photo

Nagsagawa ng inspeksyon si DPWH Secretary Mark Villar sa nagpapatuloy na konstruksyon ng P42.26-million 7th ID Headquarters Building na may Tactical Operations Center sa loob ng Fort Ramon Magsaysay sa Palayan City.

Ang naturang proyekto ang magsisilbing modern command center para sa military operations at mga opisyal ng iba’t ibang general service staff ng 7th Infantry “Kaugnay” Division ng Philippine Army.

Isa rin ang headquarters building anim na proyektong ipatutupad sa loob ng military camp sa ilalim ng Department of National Defense-Department of Public Works and Highways (DND-DPWH) Convergence Projects o “Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad” (TIKAS).

“I am pleased with the pace of construction considering that we have been in the height of unprecedented challenges since March, like the imposition of strict community quarantines due to the coronavirus and the different (strong) typhoons that hit the country,” pahayag ng kalihim.

“But these will not affect our resolve to abide by our commitment to finish the construction projects implemented by the DPWH,” dagdag pa nito.

Tuloy pa rin ang konstruksyon ng 7.261-kilometer road network mula Light Reaction Regiment/Special Forces Regiment (Airborne) camps hanggang Molave Complex.

Binista rin ni Villar ang headquarters ng Army Artillery Regiment (AAR) ng Philippine Army para sa Live Fire Exercise.

Read more...