P8.45-B pondo ng DAR sa 2021, inaprubahan na ng Senado

Photo credit: DAR website

Inaprubahan na ng Senado ang P8.45 bilyong panukalang pondo ng Department of Agrarian Reform (DAR) para sa taong 2021.

Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, malaking tulong ito para sa mga programa sa mga magsasaka.

“I am happy about this development because DAR is the government agency that champions the welfare of the Filipino farmers” pahayag ni Castriciones.

Sinabi naman ni Senador Cynthia Villar, chairperson for Food, Agriculture and Agrarian Reform, sa pondong P8.45 bilyon, ang DAR ay umaasang maipamamahagi nila at maipatutupad sa kanayunan ang katahimikan at katatagan sa pagpapatupad ng repormang agraryo, mapanatili ang kaunlaran, magkaloob ng panlipunang hustisya, at industrialisasyon.

“Ang karamihan sa panukalang pondo ay gagamitin sa tatlong pangunahing programa ng DAR. Ito ay ang: Agrarian Justice Delivery (AJD) Program na pinaglaan ng may PhP 897.4 milyong pondo; Land Tenure Security (LTS) Program na may PhP 3.4 bilyon; at ang Agrarian Reform Beneficiaries Development and Sustainability Program (ARBDSP) na pinaglaanan ng PhP 1-5 bilyon,” ani Villar.

Ayon pa sa Senadora, ang mga natitira na lamang na lupaing kailangang ipamahagi ay ang mga problemadong lupain na may kinalaman sa isyung panlegal at manghihingi siya ng ulat mula sa DAR ukol sa mga lupaing ito.

Hinimok naman ni Senator Risa Hontiveros na kailangang sikapin ng DAR na magawa ang mandato nito na maipamahagi na ang mga lupain at agarang maitalaga ang mga magsasaka.

Read more...