Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 58,494,754 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 12,450,666 cases.
Sumunod na rito ang India na may 9,095,908 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 6,052,786 naman ang kaso sa Brazil habang 2,127,051 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 2,064,748
– Spain – 1,589,219
– United Kingdom – 1,493,383
– Italy – 1,380,531
– Argentina – 1,366,182
– Colombia – 1,240,493
– Mexico – 1,032,688
– Peru – 948,081
– Germany – 918,271
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,386,570 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 40,467,900 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.