Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng surveillance testing sa 12,000 residente ng Marikina kung saan nananatili sa iba’t ibang evacuation centers matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses.
“Out of 12,000 na sinurveillance testing sa mga evacuation center, may 153 na naging reactive sa rapid test doon sa antibodies, and out of that 153, may lima na nagpositibo at nasa quarantine facilities,” pahayag ni Teodoro
Nag-negatibo naman aniya sa COVID-19 ang mga close contact ng lima.
READ NEXT
Sen. Go, hinimok ang DOH na maglatag ng maayos na sistema para sa pagbibigay ng COVID-19 vaccine
MOST READ
LATEST STORIES