Nadagdagan pa ang bilang n kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Sa huling datos mula sa PNP (Biyernes, November 20, 6PM) 7,799 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong 7,412 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit kung saan nakapagtala ng 49 na bagong recoveries.
Ang COVID-19 active cases naman ay 362.
Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa 25.
Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES